Nagugutom Kahit Katatapos Lang Kumain – Ano Ang Dahilan?

Nagugutom ka pa rin ba kahit tapos ka na kumain? May mga sintomas na tulad nito na nakakapagtaka. Kung kakatapos mo lang kumain, pwede kang makaranas ng gutom. Alamin natin kung bakit ito nangyayari.

Sintomas

Maaaring iba iba ang sintomas ng ganitong pakiramdam depende sa tao. Minsan, ilan sa mga ito ay pwedeng maranasan:

  • Pakiramdam ng parang gutom kahit kumain na
  • Parang nasusuka pagkatapos kumain
  • Hindi nabubusog
  • Masakit ang tiyan pagkatapos kumain

Bakit Ito Nangyayari, Ano Ang Sanhi?

Ang dahilan ng ganitong sintomas ay pwedeng may kinalaman sa ulcer. Kung nakakaranas ka ng pagsakit ng tiyan matapos kumain, ito ay posibleng dahil sa mga sugat sa loob ng sikmura. Ngunit kung ikaw ay nagugutom pa rin ilang minuto o oras matapos mong kumain, pwedeng ito ay dahil sa iyong kinain.

Minsan, ang mga pagkain na gulay at yung mataas ang fiber content ay pwedeng maging sanhi ng mabilis na pagkagutom. Hindi ito dapat maging dahilan upang ikaw ay mag-alala dahil may ilang pagkain na mabilis magpagutom sa isang tao.

Kung ang pakiramdam mo naman ay sinisikmura matapos kang kumain, pwede ito ay dahil sa hyperacidity. Ang mataas na acid sa loob ng tiyan ay nakakapagbigay ng nagugutom na pakiramdam. Kung ito ay may kasamang sakit, pagdighay o parang nakalobo at puno ng hangin ang tiyan, pwedeng ito ay hyperacidity.

Ano Ang Lunas

Kung ang ulcer ang dahilan ng iyong sintomas, dapat kang kumonsulta sa isang doktor. Hindi biro ang ulcer dahil pwede itong maging sanhi ng malalang sakit. Pwede ring dumugo ang loob ng iyong sikmura at magkaroon ng iba pang problema.

Mga Dapat Kainin At Iwasan

Ang pagkain ng mga bagay na nagpapataas ng acid sa sikmura ay dapat iwasan. Bawasan ang pagkain ng mga mayroong caffeine, carbonated drinks, alcohol at mga mamantika o maanghang na pagkain. Kung may sumasakit sa loob ng tiyan, dapat mo itong ipa-check up sa isang gastroenterologist.

Nakakataba ba ito?

Ang sobrang pagkain ay pwedeng magdulot ng pagtaba. Kung sa tingin mo ay sapat na ang kinain mo, tumigil na at uminom ng tubig. Ang pakiramdam ng palaging gutom ay pwedeng dahil sa isang karamdaman ay hindi sa aktwal na paghahangan ng pagkain.



Last Updated on March 18, 2018 by admin

Home / Sakit sa Sikmura at Tiyan / Nagugutom Kahit Katatapos Lang Kumain – Ano Ang Dahilan?