Madalas ka bang may nerbiyos? Kung bigla ka na lang natataranta, natatakot at may nerbiyos ng walang dahilan, pwedeng ito ay sintomas ng panic attack. Maraming tao ang meron nito at kailangan itong magamot bago pa lumala.
Ano Ang Panic Attack?
Ito ay isang uri ng sakit kung saan bigla ka na lang nagpa-panic o natatakot nang walang mabigat na dahilan. Minsan, nangyayari rin ito kapag ikaw na-expose sa iyong kinatatakutan sa nakaraan, halimbawa pagtawid sa tulay, pagsasalita sa maraming tao o pag-iisa sa isang kwarto. Maraming dahilan ang pwedeng mag-trigger ng anxiety attack o panic attack.
Ano Sa Tagalog Nito?
Walang direktang salita sa Filipino ang ganitog karamdaman ngunit ang isa pang posibleng tawag dito ay anxiety attack. Ito ay biglang nangyayari kapag ang tao ay nakaranas ng nakakatakot na sitwasyon sa buhay o may trauma sa isang pangyayari.
Pareho ba ang Panic Attack at Anxiety Attack
Karaniwan na napagpapalit ang dalawang ito ngunit meron silang pagkakaiba. Ang panic attack ay bigla na lang nangyayari ng walang dahilan samantalang ang anxiety attack ay dahan dahan hanggang sa dumating ang mga sintomas. Ang anxiety attack ay madalas na nagsisimula sa pag-aalala sa isang bagay. Ang panic naman ay biglaan.
Ano Ang Mga Sintomas?
May mga sintomas na pwedeng magsabi na ang isang tao ay may anxiety attack. Halos pareho ang mga sintomas nito sa parehong sakit na nabanggit:
- Pakiramdam na parang hihimatayin
- Parang mababaliw ang isip
- Parang masikip ang pag hinga o kulang sa hininga
- May nanginginig na katawan sa loob
- Nahihilo
- Nasusuka
- Palpitation
- Parang nabubulunan
- Natatakot bigla mamatay
- May mga tusok tusok na maliliit sa balat
- Namamanhid iba’t ibang parte ng katawan
- May mainit o malamig sa balat
- Nagpapawis
Maliban rito, marami pang ibang posibleng sintomas ang maranasan.
Paano Ito Magagamot?
Ang sakit na ito ay pwedeng magamot ng isang psychiatrist o maging ng isang neurologist. Importante na magpakonsulta ka sa isang doktor para mabigyan ka ng gamot at therapy.
Mga Dapat Gawin
Ang mga sintomas ng sakit na ito ay madalas na pwedeng makontrol ng isang tao kung lalakasan lang niya ang kanyang loob. Importante rin na maging open-minded at maging makatotohanan sa buhay. Kung wala namang dapat ikatakot, ito ay hindi dapat isipin. Ilan sa mga pwede mong gawin ay”
- Magpamasahe para marelax ang katawan
- Makipagkita sa mga kaibigan at lumabas
- Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom
- Mag exercise
- Mag meditate
Kung ikaw ay matagal nang mayroong mga sintomas, makakatulong kung magtatanong ka sa doktor para malunasan ang iyong nararamdaman. Ang therapy session ay pwedeng magtagal ng ilang linggo o buwan ngunit makakakita ka ng magandang resulta kung magiging positibo lang ang pananaw mo sa buhay.