Napapansin mo bang malabnaw ang lumalabas na semen sa iyo? Sa mga kalalakihan, madalas na nag-aalala sila kapag ang kanilang semen o tamod ay malabnaw. May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari.
Mga Karaniwang Sintomas
- Malabnaw na lumalabas na tamod
- Parang tubig ang tamod kapag nakikipagtalik o nag-mamasturbate
- Parang ihi ang tamod at hindi malapot
- Hindi na kulay puti ang tamod
Ano Ang Dahilan Nito?
Madalas na wala namang problema kahit na malabnaw ang tamod ng isang lalaki. Minsan, ito ay normal lamang depende sa katawan at kalusugan ng isang tao. May ilang sitwasyon kung bakit ito lumalabnaw:
- Madalas na paglalabas ng tamod sa pag-mamasturbate (pagjajakol o pagsalsal)
- Madalas na pakikipagtalik
- Stress
Pagbabago sa hormone ng lalaki lalo na kung nagkaka-edad o tumatanda
May STD ba ako?
Maraniwang walang kinalaman sa ganitong sintomas ang STD. Ngunit kung may iba kang sintomas, importante na ikaw ay magpakonsulta sa isang doktor. Ilan sa mga dapat mong bantayan ay:
- Pagdurugo sa ari o titi
- Dugo sa tamod
- Masakit kapag naglalabas ng semilya o tamod
- Masakit kapag umiihi
- Lagnat
- Pagkakaroon ng nana sa tamod o ihi
Ito Ba Ay Senyales ng Pagkabaog?
Baog ba ako? Kung ang semilya ba o tamod ay malabnaw, magkakaanak ba ako? Ang lapot at kulay ng tamod ay madalas na waang kinalaman sa kakayanan na mgkaanak ang isang lalaki. Magpakonsulta sa isang doktor kung ikaw ay nag-aalala.
Anong Klaseng Doktor Ang Dapat Konsultahin
Ang isang urologist ang siyang pwedeng tumingin sa problema sa ari ng lalaki. Ibigay sa doktor kung ano ang mga sintomas na iyong nararamdaman at sundin ang kahit anong gamot na kanyang ibibigay.