Maitim Na Kuko Sa Paa – Sanhi At Gamot Para Sa Kuko Na Nangingitim

Nangingitim ba ang kuko mo sa paa? May ilang dahilan kung bakit ito nangyayayri. Ang magandang balita ay pwede itong magamot at maibalik sa dati nitong kulay. Samantala, dapat mo munang alamin ang dahilan ng maitim na kuko.

Bakit Maitim Ang Kuko Sa Paa Ko?

Ang toes o kuko sa paa ay pwedeng maging kulay itim dahil sa ilang dahilan. Halimbawa ng mga ito ay trauma. Kung ikaw ay nabagsakan ng mabigat na bagay sa kuko, ito ay posibleng mangitim o tinatawag na patay na kuko. Ito ay dahil sa nasirang tissue sa kuko.

Kung ikaw naman ay may impeksyon gaya ng fungus, pwedeng mag-iba ang kulay ng kuko mo. Ito ay posibleng maging kulay itim o kaya naman ay dark brown at greenish.

Sa isang banda, ang kakulangan sa tamang nutrisyon ay makakaapekto rin sa kuko. Kung ikaw ay may kulang na vitamins o minerals, pwedeng maging iba ang kulay ng mga kuko mo.

Ang pagkakaroon ng sakit ay pwede rin maging sanhi ng maitim na kuko. Halimbawa, ang ilan sa mga cancer o kaya impeksyon sa ibang bahagi ng katawan ay pwede magdulot nito.

Paano Ito Magagamot?

Kung alam mo na ang dahilan ng iyong problema, pwede mo na ito magamot. Ang fungal infection ay ginagamitan ng creams o lotions na binibigay ng isang doktor. Kung ang iyong problema naman ay dahil sa malnutrisyon, ang simpleng pagkain ng masustansiyang pagkain ay makakatulong na.

Doktor Para Sa Kuko

Kung may iba ka pang problema sa kuko, dapat mong ikonsulta ito sa isang doktor. Pwede kang humanap ng dermatologist na siyang expert sa balat, kuko at buhok.

Pwede Ko Ba Lagyan Ng Nail Polish?

Hangga’t maaari, huwag mo muna itong lagyan ng kahit anong “cutics” o kulay ang iyong mga kuko. Dapat mo munang gamutin ang sanhi ng iyong nangingitim na kuko. Upang hindi ito lumala, alamin ang dahilan at gamutin.

Iba Pang Pwedeng Problema

Ang pagkakaroon ng eczema, sugat sa kuko at trauma ay pwede ring sumabay sa maitim na kuko. Kung ito ay nakakaabala na sa iyong buhay, pumunta na agad sa isang doktor.



Last Updated on March 9, 2018 by admin

Home / Balat at Skin Treatment / Maitim Na Kuko Sa Paa – Sanhi At Gamot Para Sa Kuko Na Nangingitim