Dahilan Ng Parang Mababaliw Na Pakiramdam

May mga araw ba na parang mababaliw ang pakiramdam mo? Huwag mag-alala dahil ito ay pwedeng isang sintomas ng anxiety attack. Minsan, ang pagkakaroon nito ay pwedeng makaapekto sa iyong gawain sa araw araw. Ngunit may mga lunas na pwede mong gawin kung ito nga ang iyong sakit.

Ano Ba Ang Anxiety Attack?

Ito ay ang dahan dahang pagkakaroon ng alinlangan sa isip. Minsan, ito rin ay iniuugnay sa Panic Attacks kung saan bigla ka na lang matataranta, mababalisa at magkakaroon ng parang nababaliw na isipan. Ang mga sintomas na ito ay pwedeng maranasan ng sinumang may anxiety o panic attack.

Ano Ba Ang Mga Sintomas Nito?

Maliban sa parang masisiraan ng ulo, may ilang pisikal na sintomas ang sakit na ito.

  • Parang hihimatayin
  • Pakiramdam na nanghihina
  • Parang nanlalambot at nababalisa
  • Magulo ang isip
  • Nanginginig sa loob ng katawan
  • Hindi steady ang balanse
  • May tumutusok tusok sa balat, mainit o malamig
  • Pumapasok sa isip na parang sasaktan ang ibang tao
  • Natatakot na may naiisip na masasamang bagay

Paano Ito Ginagamot?

Kung ang pakiramdam na ito ay minsan lang nangyayari, pwede kang makagawa ng paraan. Ang simpleng pagrerelax at pagbawas sa stress ay makakatulong na. Ngunit may ilang pagkakataon na mahirap itong makontrol. Dito na pwedeng magpakonsulta sa isang psychiatrist o neurologist. Huwag matakot na magpakonsulta dahil hindi naman ibig sabihin nito ay nababaliw ka na nang tuluyan. Minsan, ang kakulangan sa ilang hormone sa utak o pagiging stressed ay siya lamang dahilan nito.

May mga gamot na pwedeng inumin para maging kalmado ka at magkaroon ng mahimbing na tulog. Ito ay dapat lamang na reseta ng doktor at huwag iinom ng kanit ano kung walang payo ng isang propesyunal. Maliban dito, may ilang therapy na pwedeng ibigay ng isang doktor para lalong bumilis ang pagkakaroon ng positive results. Medyo may kamahalan ang mga ito ngunit pwede kang makakuha ng magandang resulta.

Tuluyan Ba Akong Masisiraan ng Ulo?

Karamihan sa mga meron nito ay hindi naman talaga nababaliw. Ito ay sintomas lamang ng anxiety at panic attacks at walang kinalaman sa actual na katayuan ng pag-iisip ng isang pasyente.

Ano Ang Dahilan Nito?

Ang pagkakaroon ng stress o kaya naman kakulangan sa ilang hormone sa utak at katawan ay pwedeng magdulot nito. Minsan, ang trauma sa buhay gaya ng pagkamatay ng mahal sa buhay, pagkatanggal sa trabaho o kaya pagkakaroon ng malubhang sakit ay pwedeng maging sanhi ng parang nasisiraan ng ulo.

Mga Tips Para Mabawasan Ang Stress

  • Magpamasahe
  • Mag-exercise
  • Magkaroon ng isang hobby
  • Mag-travel

Kung sa tinign mo ay hindi mo na kaya ang iyong sintomas, maaari kang pumunta sa isang doktor upang makahingi ng payo.