Masakit ba ang likod mo? Kung ito ay naipitan ng ugat o ng muscle, pwede mo itong malunasan sa ilang paraan. Ang pagsakit ng likod ay karaniwang may kinalaman sa maling posisyon. Ngunit dapat mo ring tandaan na maaaring may ibang sintomas na may kaugnayan sa sakit.
Ano Ang Mga Sintomas Nito?
- Masakit na itaas na parte ng likod kapag gumagalaw
- Naipitan na sakit
- Parang may pulikat sa likod at paypay
Ano Ang Mga Dahilan Nito?
Ang naipit na ugat sa likod ay kadalasan na may kinalaman sa muscle o kalamnan. Kung ito ay biglaan, maaaring dahil ito sa kilos mo sa pagtayo, pag upo o paghiga.
Ang isa pang posibleng dahilan ng naipitan na likod ay muscle cramps. Sa mga Pilipino, ito rin ay tinatawag na pulikat. Kung ikaw ay meron nito, matindi ang sakit na mararamdaman at kailangan na bigyan agad ng lunas.
Ang paghiga at pagupo na baluktot ang katawan ay pwedeng mgaing sanhi ng iyong ipit. Kung bigla lang yuyuko o gagalaw ng patagilid, ito ay posibleng mangyari.
Ano Ang Gamot Para Sa Ganitong Sintomas?
Ang simpleng masahe ay makakatulong na upang mabawasan ang sakit. Ngunit hindi ito kaagad magkakaroon ng ginhawa dahil kailangan ring ipahinga ang kalamnan sa likod.
Kapag ang sakit ay tila hindi nawawala ng ilang araw, pwede ito gamitan ng pain reliever. Ngunit dapat mong alamin kung ikaw ba ay pwedeng uminom nito dahil may ilang tao na allergic sa pain reliever o di kaya naman ay buntis na maaaring may epekto sa sanggol.
Iba Pang Sanhi
Kung ang pananakit sa likod ay hindi lamang sa kalamnan o buto, maaaring may kinalaman ito sa isang sakit. Ilan sa pwedeng may kaugnayan rito ay arthritis, lung cancer o kaya naman ay hyperacidity. Mabuting kumonsulta sa isang doktor kung sa tingin mo ay may malubha kang sintomas.