Maitim Na Singit Paano Ito Paputiin?

Maitim na singit ba ang problema mo? Kung ito ay iyong kinakahiya, marapat na alamin mo kung paano ito bibigyan ng solusyon. Minsan, ang mga bagay na nasa bahay ay makakatulong para malunasan ang problema mo sa balat. Kung ang singit ay maitim, may mga ilang paraan para manumbalik ang puti at kinis nito.

Paano Paputiin ang Singit?

Importante na alamin mo kung ano ang dahilan ng pangingitim. Ito ay hindi lamang basta dumi dahil may ilang sintomas na pwedeng dahil sa isang sakit. Sa isang banda, ang maitim na singit ay hindi naman malaking banta sa kalusugan.

Ang ilan sa mga hakbang na pwede mong magawa ay:

Paggamit ng acidic na prutas gaya ng calamansi o lemon. Bagamat ang acidic na parte ng mga ito ang makakatulong sa iyong problema, dapat mo ring tandaan na maaari kang magkaroon ng allergy dito. Importante na subukan mo muna sa iyong balat bago gamitin sa singit.

Ang paggamit ng magaspang na towel ay pwedeng makatulong o makabawas sa umiitim na singit. Kung ito ay makukuskos, pwede itong magsilbing exfoliating agent para matanggal ang ibabaw na balat. Gamitan ito ng liquid soap upang hindi mag dry ang balat.

May ilang whitening creams at soaps na nagbibigay ng solusyon sa maitim na balat. Hindi lamang ito para sa buong katawan ngunit pwede ring gamitin sa maiitim na bahagi gaya ng singit, siko at tuhod.

Bakit Umiitim Ang Singit Ko?

Ilan sa mga posibleng dahilan ay ang mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng impeksyon sa balat
  • Masikip na underwear (panty at briefs)
  • Mataba at pagiging overweight
  • Pagkiskis ng mga balat sa hita
  • Pagkakaroon ng pawis
  • Genetics o nasa lahi
  • Simpleng dumi

Anong Klaseng Doktor Ang Para Sa Singit

Isang dermatologist ang kailangan mo para mabigyan ka ng treatment sa iyong singit. May ilang doktor na pwedeng mag-offer ng skin whitening o bleaching sa mga parte ng iyong katawan.

Importante rin na alamin mo kung meron ka bang impeksyon. Halimbawa nito ay yeast infection na unang nagbibigay ng makati ay namumuti na parte ng balat. Kapag tumagal, pwede itong kumapal at umitim.



Last Updated on February 27, 2018 by admin

Home / Balat at Skin Treatment / Maitim Na Singit Paano Ito Paputiin?