Namumutla ka ba? Kung ito ay madalas mangyari sa iyo, dapat mong alamin ang dahilan. Ang namumutla ang labi at mukha ay maaaring sintomas ng isang sakit o kaya naman ay kakulangan sa ilang nutrisyon.
Ano Ang Dahilan At Sanhi
May ilang mga karamdaman at problema sa kalusugan na pwedeng maging sanhi ng pamumutla. Ilan sa mga ito ay:
- Kakulangan sa iron o iron deficiency
- Anemia
- Low blood pressure
- Pagbubuntis
- Pagkakaroon ng impeksyon
- Cancer
- Pagpupuyat
- Stress
Ano Ang Mga Sintomas Nito?
May ilang bahagi ng katawan na pwedeng maapektuhan ng ganitong sintomas. Maliban sa bibig, labi at mukha, pwede rin ito mangyari sa talukap ng mata, tenga, dila, bunganga, mga kamay, pisngi at mga kuko.
Ano Sa English ng Namumutla?
Ang paleness ay isang termino na ginagamit sa pamumutla sa English. Gaya ng nasabi, ito ay maaaring may kinalaman sa porblema sa kalusugan o sakit.
Ano Ang Mga Vitamins Na Kulang?
Ilan sa mga vitamins o nutrients na posibleng kulang kaya ka namumutla ay ang folate, iron at Vitamin B 12 ayon sa Healthline. Kung sa tingin mo ay kulang ka sa mga ito, may mga supplements at vitamins na pwedeng mabilis sa mga botika o pharmacy.
Kulang Sa Dugo
Ito ay isang termino kung saan ang problema ay anemia. Maaaring ikaw ay low blood din na ang ibig sabihin at low blood pressure. Sa mga sintomas ng cancer at HIV, ito ay posibleng mangyari kung apektado na ang iyong dugo at immune system. Ngunit ito ay hindi ang tanging batayan upang masabi na ikaw nga ay may HIV o cancer. Dapat ka pa rin magpatingin sa doktor upang makasiguro.
Ano Ang Gamot at Lunas?
May ilang mga pagkain gaya ng prutas at gulay na may mataas na iron. Pwede ka rin gumamit ng mga vitamin supplements dahil ito ay safe basta siguruhing wala kang allergy sa mga ito.
Anong Doktor Ang Dapat Konsultahin
Pwede kang magtanong sa isang general medicine doctor. Maaaring ikaw ay bigyan ng ilang blood test upang malaman ang dahilan ng pamumutla.