Ang hirap sa pagpapatigas ng ari ay maaaring may kinalaman sa diabetes o stress. Alamin natin bakit ito nangyayari.
Ang ilan sa mga posibleng dahilan ng ganitong sintomas ay ang mga sumusunod:
- Erectile Dysfunction ayon sa ClevelandClinic na pwedeng may kinalaman sa heart disease o kaya diabetes.
- Stress at Pagod
- Edad
- Sakit sa Dugo
- Kakulangan sa Hormones
- Pag inom ng alak na may alcohol
- Diabetes
- High Blood o hypertension
- Sakit sa puso
- Pagiging mataba o overweight
- Paninigarilyo
Ang mga lalaking edad 50 pataas ay mas malaki ang pagkakataon na magkaroon ng hirap sa pagtigas ng titi o uten. Ito ay dahil nababawasan ang testosterone hormone ng lalaki kapag tumatanda.
Ayon sa aming research, mas bumabata na ngayon ang may problemang ganito dahil sa lifestyle.
Ang erectile dysfunction ay isa ring karaniwang kondisyon sa mga lalaking may edad na. Ito rin ay tinatawag na impotence sa Ingles at maaari itong makaapekto sa self confidence ng isang lalaki.
Paano Ito Gamutin
Ang treatment ay nirerekomenda lamang ng doktor base sa dahilan nito. Kung ikaw ay mahigit sa 60 gulang pataas, mas malaki ang chance na magkaroon ka ng ganitong problema.
Ngunit ang paggamot ng mga sakit gaya ng diabetes ay high blood ay magiging dahilan upang manumbalik ang kakayanan na makapgpatigas ng titi ng walang problema.
Nangyayari Ba Ito Sa Mas Batang Lalaki?
May mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga lalaking mas bata sa 40 taon gulang. Ngunit ito ay madalas na may kinalaman sa pagkawala sa interes sa sex o pakikipagtalik, pagkakaroon ng stress at iba pang problema sa lifestyle.
Iba Pang Problema
Maliban sa hirap ng pagpapatigas, ang ilan sa mga posibleng kasamang sintomas ay madaling labasan ng tamod o semilya, mabilis na paglambot ng ari o kaya pananakit ng titi at bayag habang nakikipagtalik.
Importante na matingnan ito ng isang doktor gaya ng urologist upang malaman kung may problema ka sa kalusugan.