Problema ba ang pagdilat ng mata dahil parang nasisilaw? Ang mata ay may sensitive nerves na pwedeng ma-irritate. Alamin kung bakit ito nangyayari.
Mga Posibleng Dahilan
Ilang sa mga posibleng dahilan ng hirap sa pagdilat ng mata ay ang corneal abrasion. Ito ay mililiit na gasgas sa cornea kaya pwedeng magdulot ng pagkasilaw.
Sintomas ng Hirap Dumilat
- Hindi makadilat ng maayos
- Parang nasisilaw
- Kusang napapapikit ang mata
- Masakit ang mata
Paano Gamutin
Importante na ang mga mata ay ikonsulta sa isang doktor. Ang isang ophthalmologist ang eksperto sa mata. Maaari syang gumawa ng test para makita kung may puwing o foreign body sa iyong mata o talukap.
Doktor Para sa Mata
Ang isang ophthalmologist ang pwedeng tumingin sa iyong mga mata. Maaari siyang magbigay ng eye drops or eye creams para malunasan ang anumang iritasyon sa mata.
References: MayoClinic