Nararamdaman mo ba ang parang malagkit na pakiramdam sa balat sa binti? Ang mga ganitong sintomas ay maaaring dahil sa kondisyon sa kalusugan. Importante na malaman kung ano ang sanhi nito para malunasan.
Mga Dahilan ng Parang Malagkit na Balat
Isa sa posibleng dahilan nito ay pagkakaroon ng nerve irritation. Halimbawa, kung ang sensations ay nangyayari sa binti, hita, paa o tuhod, pwedeng ito ay dahil sa sciatica pain. Ang isa sa maaaring dahilan ay slipped disc.
Ang pagkakaroon ng diabetes ay posible rin magdulot ng parang malagkit na sensation sa balat. Ito ay dahil sa nerve damage na dulot ng mataas na blood sugar.
Related: Sintomas ng Herniated Disc
Mga Sintomas
May ilang sintomas na nararamdaman ng isang tao na may kaugnayan sa nanlalagkit na balat sa binti.
- Parang malagkit ang pakiramdam sa balat sa tuhod, hita at binti
- Nanlalamig na pakiramdam sa balat sa legs
- Parang napaso na pakiramdam sa balat
- Mainit na balat sa legs, paa at binti
- Parang malagkit ang muscles kapag tumatayo at naglalakad
- Pakiramdam na parang may humahatak ng paa
Ano ang Gamot
Ang pagkakaroon ng posibleng herniated disc or slipped disc ay pwedeng matugunan sa physical therapy. Ngunit importante na makonsulta ang isang doctor para malaman ang tamang exercises at therapy para sa iyong lagay.
Sa isang banda, ang diabetes naman ay kailangan tugunan sa pag manage ng blood sugar. Ang diabetic neuropathy ay posibleng magdulot rin ng damage sa nerves kung hindi ito maagapan.
Doctor Para sa Nanlalagkit na Balat sa Binti
Ang isang neurologist ay pwedeng konsultahin sa mga problema sa nerves. Ngunit sa diabetes, ang endocrinologist na doktor ay makakatulong sa pag manage ng blood sugar. Kung ikaw ay may mga problema sa buto at muscles, pwede rin itong ikonsulta sa isang orthopedic surgeon.
References: Harvard, Healthline