Ang palagiang balisawsaw ay maaaring dahil sa prostate, UTI or pagbubuntis. Marami pang pwedeng dahilan ito.
- Prostate cancer
- Prostatitis o pamamaga ng prostate
- Karamdaman sa pantog
- Pagkakaroon ng UTI
- STD
- Nerve damage sa spinal cord
- Maaaring buntis na hindi nalalaman
- Impeksyon sa bahay bata
- Hirap na pagkontrol sa pag-ihi dahil sa edad
Ayon sa NHS, isang posibleng dahilan nito ay ang baradong pantog. Dahil dito, nakakaramdam ng parang laging naiihi pero wala naman lumalabas.
Ano Ang Dapat Gawin?
Ang lunas sa balisawsaw ay pwede lamang malaman kung ito ay nakumpirma na dahil sa isang sakit. Ang mga opsiyon ay pag-inom ng gamot na nireseta ng doktor, pagkakaroon ng therapy, pagsasailalim sa isang surgery at iba pa.
Ang isang urologist ay mainam na doktor para sa balisawsaw. Ngunit kung ikaw ay isang babae, pwede ka ring magpatingin sa iyong OB Gynecologist dahil alam din nila ang tungkol sa balisawsaw sa mga babae.