Naipitan ng Ugat

Ang naipitan na ugat ay posibleng dahil sa damaged nerves o kakulangan sa nutrisyon. Ang muscles ang madalas na naaapektuhan nito. Sa English, ito ay pwedeng tawaging Muscle cramps o pinched nerves

May mga taong naiipitan ng ugat at ito ay nagdudulot ng masakit na pakiramdam. Minsan, ito ay pwedeng mangyari sa muscles mismo o kalamnan Kung ikaw ay nakararanas ng ganitong sintomas, dapat mong malaman ang dahilan nito.

May ilang sakit na posibleng dahilan ng naipitan ng ugat. Ang pagkaipit ay termino ng mga Pilipino kapag ito ay tumutukoy sa cramps.

Ang isang orthopedic doctor ay pwedeng magdiagnose ng naipitan kung ito ay may kinalaman sa buto at muscles. Pero ang isang neurologist naman ay eksperto tungkol sa nerves, spinal cord at utak.

Walang direktang lunas para dito dahil maaari itong sintomas ng cramps o pulikat. Ilan sa posibleng lunas para sa ganitong sintomas ay:

  • Pain reliever
  • Masahe (Massage)
  • Exercise
  • Stretching
  • Kumonsulta sa isang doctor bago uminom ng gamot.

Mga Sintomas

  • Masakit na kalamnan kapag ginagalaw
  • May namamanhid na parte ng katawan
  • May parang tumutusok tusok na pakiramdam
  • Parang naipit na pakiramdam sa braso, kamay, likod at hita o paa
  • Masakit kapag iniikot ang katawan
  • Naka-steady na sakit sa parte ng katawan kahit hindi gumagalaw

References: Nerve pain sa WebMD