Tumitigil Sa Paghinga Pag Tulog Ano Ito

Palagi bang tumitigil ang paghinga habang natutulog? Ito ay isang medical condition na dapat bigyang pansin. Ang hirap sa paghinga habang natutulog ay posibleng magdulot ng ibang komplikasyon.

Ano Ang Dahilan ng Paghinto sa Paghinga

Kapag ang paghinto ng paghinga ay nangyayari habang tulog, ito ay posibleng sleep apnea. Ang daluyan ng hangin sa lalamunan at nababarahan at nahihirapan ang tao na huminga.

Sintomas

Isa sa sintomas nito ay ang makitang humihinto sa paghinga ang isang tao habang tulog. Madalas ito ay nangyayari lalo na kapag naghihilik.

May paghinto sa paghinga ng ilang segundo habang tulog

Masakit ang ulo pagkagising sa umaga

Parang pagod ang katawan pagkagising

Tuyo ang labi o bibig kapag gising sa umaga

Hirap makatulog sa susunod na mga gabi

Dahilan

Ang ilang medical conditions ay pwedeng magdulot ng sleep apnea. May ilang factors na pwedeng magdulot nito gaya ng pagiging overweight, isang lalaki, masikip ang daluyan ng hangin, paninigarilyo, katandaan o kaya naman ay maling posisyon ng paghiga.

Paano Gamutin ang Sleep Apnea

Importante na magpakonsulta muna sa doctor upang malaman kung talagang ito ang kondisyon mo. Ang paghinto ng paghinga habang natutulog o naghihilik ay maaaring makapagpalala sa mga medical at health problems ng isang tao.

Dahil posibleng mahirapan ang puso at baga, pwede itong magdulot ng hindi magandang epekto sa katawan.

Doctor Para sa Paghinto ng Paghinga Kapag Tulog

May mga sleep specialist doctors na pwedeng konsultahin. Sa mga ospital, sila ay pwedeng puntahan para magpa check up. May ilang sleep tests din na pwedeng ibigay para makita mismo ang sintomas kung ito nga ay dulot ng sleep apnea.

References: Mayoclinic