Tuldok Na Pula Sa Balat Ano Ang Dahilan

May nakikita ka bang maliit na pulang tuldok sa balat? Kung ito ay bigla na lang lumabas, dapat mong alamin kung ano ang dahilan nito. Maaari itong lumabas sa kahit anong parte ng balat.

Dahilan ng Maliit Na Butlig sa Balat Kulay Pula

Ang isa sa posibleng dahilan nito ay ang tinatawag na Cherry Angioma. Ito ay dahil sa maliit na blood vessles na maaaring pumutok o namaga. Ito rin ay considered na isang tumor. Kung may iba kang sintomas at sa tingin mo ay hindi ito cherry angioma, kumonsulta sa doctor. Ilan sa posible pang dahilan at measles, allergy, bungang araw o kaya bulutong o chicken pox.

Sintomas ng Cherry Angioma

Makinis na butlig kulay pula sa balat

Maliit na tuldok na kulay pula sa balat

Butlig na pula pero hindi makati

Nakaalsa na butlig sa balat na kulay pink o pula

Doctor Para sa Pulang Butlig Dulot ng Cherry Angioma

Madalas hindi na ito kailangan pang gamutin. Sa maraming tao, ito ay nawawala rin ng kusa. Ngunit para makasiguro, pumunta sa isang dermatologist kung ikaw nga ay may cherry angioma lamang at hindi ibang sakit.

Paano Mawala Ang Butlig Na Pulang Tuldok

Itanong sa iyong doctor kung ano ang pwedeng gawin sa iyong balat. Kung ito ay nakakaabala sa iyong gawain, importante na mag-konsulta sa isang dermatologist.

Delikado Ba Ang Cherry Angioma

Ito ay isa sa mga uring tinatawag na bening tumor o hindi nagdudulot ng cancer. Maaari itong masugatan o maimpeksyon kung gagalawin.

Reference: Medical News Today