May nararamdaman ka bang parang napaso na balat? Ito ay pwedeng may kinalaman sa ilang sakit. Dapat na alamin ang dahilan nito upang mabigyan ng lunas. Ang pagkakaroon ng mga sintomas gaya ng parang mainit na balat, napaso o malamig ay dapat bigyan ng lunas.
Dahilan ng Parang Napaso Ang Balat
Ang sensations na nasa balat ay dulot ng nerves. Kung wala naman itong sugat o ibang problema na nakikita, pwedeng ito ay dahil sa damaged o irritated nerves. Ilan sa posibleng dahilan nito ay neuropathy, diabetes o kaya naman ay inflammation ng nerves depender sa lokasyon.
Ang pagkakaroon ng mainit na balat sa binti, paa, hita, at pisngi ng puwet ay pwedeng dahil sa sciatica na posibleng naman dahil sa herniated disc. Sa ilang pagkakataon, ang damage sa nerves ay pwedeng dahil sa mataas na blood sugar.
Mga Sintomas
Mainit na balat sa gilid ng binti
Napaso ang pakiramdam sa balat
Parang malamig ang balat sa pakiramdam
Namamanhid ang balat na parang may gumagapang na insekto
Parang pinupulikat ang balat sa binti at hita
Parang may tumutusok tusok sa binti at legs
Mga Gamot
Ang lunas sa ganitong kondisyon ay depende sa ibibigay ng doctor. Kung ikaw ay may herniated disc, maaaring bigyan ka ng therapy sessions o pain relievers. Sa mga may diabetes, ito ay pwedeng i-manage sa gamot, lifestyle at diet.
Doctor Para sa Mainit na Balat
Madalas ito ay hindi tungkol mismo sa balat. Ngunit para makasiguro, pwede kang pumunta sa isang dermatologist. May ilang sakit na pwedeng magdulot ng parang napaso ang balat. Sa mga nerve problems naman, pwede kang pumunta sa isang neurologist, orthopedic surgeon para sa buto at muscles. Kung ikaw naman ay active at nagkaroon ng injury, pwede ka rin kumonsulta sa isang rehab doctor.
References: WebMD