Palaging nakakagat ang dila o bibig? Ang tao na may hindi magandang alignment sa ngipin ay pwedeng magkaroon ng ganitong problema. Kung nasusugatan palagi ang labi o dila mo, ipatingin sa isang dentista ang iyong ngipin.
Dahilan ng Nakakagat na Dila at Bibig
Ang pagkakaroon ng bad bite na tinatawag ay pwedeng maging dahilan nito. Kapag hindi maganda ang alignment ng mga ngipin, pwedeng tumagilid ang buong panga. Dahil dito, pwedeng makagat ang dila ng hindi sinasadya dahil sa bilis ng nguya. Minsan, an tinatawag na dental malocclusion o kaya naman TMJ ay nagdudulot ng bad bite.
Ano Ang Lunas?
Importante na ipatingin sa isang dentista ang iyong mga ngipin. Siya ang susuri kung meron kang bad bite. May mga treatment na pwedeng gawin gaya ng braces, retainers, dental appliance para sa TMJ o kaya naman crowns. Itanong sa iyong dentist kung ano ang bagay sayo.
Nagsusugat ang Labi Dahil sa Kagat
Maaaring masugatan ang loob ng bibig kapag palaging nakakagat. Importante na ipaayos agad ang alignment ng panga para hindi na magdulot ng sugat sa dila at labi.
Magkano Ang Check up Para sa TMJ at Bad Bite
Depende sa dentista, and treatments ay pwedeng umabot mula Php 10,000 hangaang Php 25,000. Itanong sa dentista mo kung magkano ang discount. Nagibibgay din sila ng installment para rito.
Lunas o First Aid sa Nakagat na Bibig o Dila
Ang isang pwedeng gawin ay ang paglalagay ng yelo o malamig na tubig sa sugat. Makakatulong ito para mapahinto ang pagdugo. Pumunta agad sa doctor kung ang sugat ay malaki at may impeksyon.
Reference AAO