Ilan sa mga posibleng dahilan kapag palaging inaantok ay diabetes, HIV, cancer, fatigue at malnutrition. Sa ibang tao, ang sanhi ay may kinalaman sa insomnia at stress.
- Diabetes – ang mataas na blood sugar ay pwedeng magdulot ng labis na pagkaantok at fatigue
- Cancer – maaaring hindi alam ng pasyente na siya ay meron nito
- Insomnia o pagpupuyat – ayon sa BetterHealth, pwedeng may kinalaman din ito sa anxiety kaya nagkakaroon ng insomnia at stress.
- HIV – Ang pagkakaroon ng HIV ay posible ring magdulot ng madalas na fatigue dahil sa impeksyon na kumakalat.
- Stress – ang sobrang pagod sa mental at pisikal na aspeto ay pwedeng maging dahilan din
Posibleng Ipagawa ng Doctor:
- Blood test
- Sleep test
Ano ang Gamot?
Subukan munang magpahinga at magkaroon ng sapat na oras ng tulog. Kung ikaw ay may kakulangan sa sustanisya, dapat na kumain ng mga pagkain na may sapat na vitamins at minerals.
Ang isang family medicine, sleep doctor o general medicine doctor ay pwedeng konsultahin tungkol sa bagay na ito.
May mga sleep doctor din na pwedeng konsultahin kung ikaw ay palaging inaantok. Sila ay pwedeng magbigay ng gamot para ikaw ay mag maging relaxed o kaya naman ay malaman ang tunay na dahilan ng pagiging antukin.
Kung ikaw ay may kasalukuyang karamdaman, pwede mo rin itong ilapit sa isang endocrinologist kung ito ay diabetes o kaya naman sa isang infectious disease doctor kung ikaw ay may ibang impeksyon sa katawan.
Source reference: WebMD