Nag-aalala ka ba sa Coronavirus Covid 19? Ito ay isang bagong sakit na nakakahawa. Kailangang magkaroon ng sapat na kaalaman para ito ay maiwasan. Paano malalaman kung may Covid 19?
Paano Malalaman Kung May Coronavirus (Covid 19)?
Tanging ang Covid 19 test lamang ang pwedeng makumpirma kung ang isang tao ay infected. Sa ngayon, ito pa lang ang paraan. Ngunit may mga sintomas ng Covid 19 na pwedeng makita gaya ng lagnat, ubo at hirap sa paghinga ayon sa CDC.
Gamot Para sa Covid 19 Coronavirus
Sa ngayon, wala pang gamot ang sakit na ito ayon sa Mayoclinic. Ngunit patuloy ang mga scientists sa pagdiskubre ng bakuna. Sinasabing maaaring magkaroon ng vaccine para sa Covid 19 sa loob ng 12 to 18 months.
Mga Prutas Para sa Coronovirus Covid 19 – Para Lumakas Ang Resistensya
Ang pagkain ng prutas at gulay ay nakakatulong sa pagpapalakas ng immune system. Ngunit walang eksaktong prutas o gulay na magdudulot ng paggaling sa sakit na ito na dulot ng virus. Importante na kumonsulta sa isang doctor kung sa tingin mo ay may mga sintomas ka ng sakit.
Paano Maiiwasan
Ang pagkakaroon ng distansya ng higit sa isang metro ay makakatulong makaiwas sa sakit na ito lalo na sa isang taong may sintomas.
Ugaliin ang paghugas ng kamay o paggamit ng alcohol na may 70% solution o kaya hand sanitizers.
Palakasin ang resistensya
Gumamit ng face masks kung ikaw ay may sakit at maaaring umubo o bumahing.
Gaano Katagal Bago Magkaroon ng Sintomas?
Ilang araw bago magkaroon ng sakit? Ito ay posibleng mangyari sa loob ng 2 to 14 days kung ikaw ay na-expose sa virus.
Saan Pwede Magpatest ng Covid 19 Coronavirus?
Sa ngayon, limitado pa lang ang test kits. Kung ikaw ay may sintomas, ang iyong doktor ang magsasabi kung ikaw ay kailangan magpatest ng coronavirus covid 19.
Gumagaling Ba Ang May Covid 19?
Maraming tao ang gumaling na sa sakit na ito. Ang mga taong critical at nauuwi sa kamatayan ay madalas na nasa populasyong 50 years old and above at may kasalukuyang mga sakit na gaya ng diabetes, hypertension, cancer, kidney disease at iba pa.
May Vitamins Para sa Covid 19?
Ang vitamins ay nakakatulong para lumakas ang resistensya mo. Ugaliin kumain ng masustansyang pagkain o kaya gumamit ng vitamins supplements kung kinakailangan.
References WHO