Umiikot Ang Pakiramdam Kahit Nakapikit Ang Mata

Parang nahihilo ka ba kahit pumikit? Ito ay isang medical condition na dapat bigyan ng pansin. Ang malalang pag-ikot ng pakiramdam ay pwedeng maging sanhi ng pagkatumba.

Dahilan – Ano Ang Sanhi Nito?

Isa sa posibleng dahilan nito ay vertigo. Ang vertigo ay may iba’t-ibang sanhi ngunit ito ay madalas na dahil sa imabalance ng structures sa loob ng tenga. Kung ang iyong tenga ay may impeksyon, ito ay pwedeng magdulot ng vertigo.

May ilang pagkakataon na ang pagkahilo at pag-ikot ng paningin ay dahil sa mga sakit sa utak gaya ng brain tumors or cancer, stroke at iba pang may kinalaman sa nerves.

Sa isang banda, ang mga biglang nahihilo na u miikot ang paningin ay pwedeng dahil din sa blood pressure, menopause at iba pa. Kumonsulta sa doctor kaagad kung hindi tumutigil ang sintomas o kaya ito ay may kasamang ibang pananakit.

Mga Sintomas

Nahihilo ang pakiramdam kahit nakapikit

Umiikot and paningin patagilid

Nahihilo kahit nakahiga na

Nawawalan ng balanse

Parang matutumba kahit nakapikit na

Nagsusuka at umiikot ang paligid

Naduduling ang mata at nahihilo

Hindi makontrol ang paningin at tumatagilid

Ano Ang Gamot

Ang vertigo ay kusang lumilipas din. May ilang tao na nakakaranas nito haggang ilang minuto. Minsan, inaabot ito ng oras. Ang vertigo na dahil sa infection sa tenga ay dapat ikonsulta sa isang doctor.

Importante na magpahinga ng mabuti upang lumipas ang vertigo. Kung ikaw ay nahihilo kahit nakahiga na, ipikit ang mga mata at humanap ng posisyon na hindi sumusumpong nag hilo at pagkaduling.

Doctor Para sa Umiikot ang Paningin

Kung sa tingin mo ay hindi ito dahil sa vision ng iyong mata, importante na magpakonsulta sa isang ENT doctor. Pwede rin itong itanong sa internal medicine o kaya family doctor.



Last Updated on February 16, 2020 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Umiikot Ang Pakiramdam Kahit Nakapikit Ang Mata