Puro Hangin Ang Tinatae Ano Ito?

Lagi ka bang nadudumi pero puro hangin ang lumalabas? Maaaring ikaw ay may problema sa sikmura na dapat mong lunasan. Ang ganitong mga pangyayari ay may kaugnayan sa iyong digestive system. Alamin kung bakit puro hangin ang tae mo.

Sintomas

May ilang tao na ang sintomas ay ang pagkakaroon ng madaming hangin sa tiyan. Ang ilan sa mga ito ay:

Palaging may hangin ang tiyan kapag dumudumi

Walang dumi na lumalabas pero puro hangin

Haing ang tae at walang laman

Masakit ang tiyan na puro hangin ang laman at utot

Ano Ang Mga Dahilan?

Ang isa sa posibleng dahilan ng pagkakaroon ng haing na tae ay hyperacidity. Kapag mataas ang iyong acid, pwede kang makaranas ng sensations na parang nadudumi pero utot o hangin lang ang lalabas. Ito ay isang sintomas na mataas ang acid sa iyong stomach.

May ilang pagkain na pwedeng magdulot ng belching o gas bloating. Ayon sa Mayoclinic, ilan sa mga pagkain na pwedeng magdulot ng hangin sa tiyan ay cauliflower, beans, mushroom at ilang fruits.

Kung napapansin mo na ang mga pagkain ang dahilan, mabuting umiwas muna sa mga ito.

Gamot Para sa Hangin Ang Tae

Ang pagiwas sa ilang mga pagkain na nabanggit ay pwedeng makatulong para mabawasan ang hangin sa tiyan. Importante rin na mapababa ang iyong acid sa sikmura. Maaaring umiwas sa mga trigger nito gaya ng caffeine foods, alcohol at ilang mga prutas na maasim.

Ugaliin rin na matulog ng maaga para iwas stress. Ang pagkain ng fiber rich foods ay pwedeng makatulong rin. Kung ikaw ay may sintomas pa rin ng ilang araw, importante na kumonsulta sa isang doctor.

Ano Ang Doctor Na Dapat Tanungin

Ang isang gastroenterologist ay pwedeng makatulong sa iyong problema sa tiyan. Kung ikaw ay may nararamdaman na sintomas, kumonsulta sa isang doktor at itanong kung anong tests ang para rito.