Puwing Sa Mata Paano Tanggalin?

Mahirap magkaroon ng puwing o puhing. Ito ay pwedeng makairita sa iyong mata na siyang magiging dahilan ng pangangati o sore eyes. Minsan, ang puwing ay bigla na lang nangyayari at importante na ito ay matanggal para hindi lumala.

Bakit Nagkakaroon ng Puwing o Puhing?

Ang pangyayaring ito ay dahil sa pagpasok ng foreign object sa iyong mata. Ang mga posibleng dahilan ng puwing ay ang mga sumusunod:

Alikabok

Usok

Insekto

Pilik mata

Iba pang dumi sa paligid

Paano Tanggalin Ang Puwing sa Mata?

May ilang tips para ito ay matanggal. Ang mga ito ay sumusunod:

Hugasan ng tubig ang mata. Hayaang dumaloy ang tubig nang hindi kinukuskos

Pwedeng lumuha o umiyak para mahugasan ang iyong mata at maaaring sumama sa luha ang puwing

Huwag na huwag kuskusin o kamutin ang mata. Maaaring lalong bumaon ang puwing at madamage ang iyong cornea.

Kung naging malalim na ang puwing at hindi na basta matanggal, kumonsulta agad sa doctor para maiwasan ang eye damage at infection.

Ano Ang Doctor Para sa Puwing?

Ang isang ophthalmologist ay may mga gamit para sa mata. Siya rin ay makakatulong para matanggal ang puwing sa mata.

Ano Ang Eye Drops Para sa Puwing?

Ang puwing ay isang physical na pangyayari sa mata. May ilang eye drops na pwedeng magtanggal ng pamumula o pagkati ng mata. Ngunit ang mga ito ay hindi nakakatanggal ng puwing. Importante na mailabas ang materyales para hindi na kumati at sumakit ang mata.

Nakakabulag Ba Ang Puwing?

Ang isang foreign object sa mata ay pwedeng magdulot ng irritation o kaya infection. Sa malalang kondisyon, pwede itong umabot sa pagkabulag kung hindi maagapan.