May salubsob ka ba sa iyong balat? Madalas na ito ay mangyari kapag ang iyong mga kamay o parte ng katawan ay natatamaan ng mga materyales. Minsan, may mga pagkakataon na ang salubsob ay nagbibigay ng sugat na pwedeng lumala kapag hindi naagapan.
Ano Ang Salubsob sa English?
Ito ay tinatawag ding splinter sa English. Ang salubsob ay pwedeng dahil sa materyales na natusok sa iyong balat.
Bakit Ako May Salubsob?
Ang salubsob ay pwedeng mangyari kapag ang iyong balat ay natusok ng maliit na bagay gaya ng bakal, kahoy, mga parter ng halaman at iba pa. Ang ilan sa mga dahilan ng salubsob ay pagkakatusok o kaya pagkaskas ng magaspang na bagay sa balat.
Sintomas
Madaling malaman kung ikaw ay may salubsob dahil nakikita ito ay nararamdaman. Ang ilan sa mga sintomas nito ay:
Maliit na tusok sa balat
May salubsob sa daliri
Salubsob sa ilalim ng kuko
Salubsob sa paa o talampakan
Ano Ang Dapat Gawin Sa Salubsob
Angganitong sitwasyon ay pwedeng matanggal gamit ang nail cutter, tiyani ot tweezers o kaya naman pagsungkit gamit ang karayom. Ngunit dapat na maging maingat kadahil pwedeng lumala ang iyong sugat kung madumi ang gagamiting mga gamit. Mas makakabuti kung ikaw ay sasangguni sa doctor kung ang iyong salubsob ay malalim.
Delikado Ba Ang Salubsob?
May ilang pagkakataon na pwede itong maging sanhi ng infections. Kung ikaw ay may malalim na sugat o dumudugo, pumunta sa isang doctor at magpakonsulta.
Sa ibang pagkakataon, ang salubsob na madumi ay pwedeng magdulot ng tetano o tetanus infection. Importante na malaman kung ano ang kondisyon ng materyales na pumasok sa iyong balat. Kung ito ay madumi, dapat kang kumonsulta sa doctor at itanong kung kailangan mo ng Anti Tetanus vaccine o shot.
Ano Ang Doctor Para sa Salubsob
Ang isang dermatologist ay pwedeng konsultahin sa salubsob. Kung ikaw ay amy sugat, importante na ito ay mabigyan ng lunas gaya ng antibiotics. Ang iyong doktor ay pwedeng magrekomenda ng dapat gawin sa salubsob.