Biglang Nakagat Ng Aso Mabisa Ba Ang Bawang at Suka?

Nakagat ka ba ng aso? Ito ay isang sensitibiong pangyayari na pwedeng mauwi sa rabies infection. Hindi lahat ng aso ay may rabies ngunit importante na maging maingat. Pwede ba ang bawang sa kagat ng aso?

First Aid Sa Biglang Nakagat ng Aso na Hindi Nauulol

Kung ikaw ay nakagat bigla ng aso sa anumang paraan, importante na ikaw ay maglapat ng first aid. Hugasan mabuti ang iyong sugat sa dumadaloy na tubig at gumamit ng sabon.

Kung maaari, lagyan muna ito ng antiseptic. Pumunta sa isang doctor upang malaman kung ano ang dapat gawin sa iyong sitwasyon.

Pwede Ba Ang Bawang o Suka sa Kagat ng Aso?

Maraming nagaakala na ito ay mabisang pangontra sa rabies. Ngunit wala itong basehan. Madalas, pwede pa ito mauwi sa iritasyon sa balat. Upang maprotektahan ka, kumonsulta sa iyong doctor.

Walang scientific studies na nagsasabing mabisa ang bawang sa rabies o kaya kahit na ang toothpaste at suka na nakagawian ng ilang mga Pilipino.

Kailangan Ko Ba Ng Anti Rabies Injection?

Depende sa kondisyon at iyong sugat, ang iyong doctor lamang ang makakapagsabi nito kapag nakita na niya ang iyong kondisyon. Kung hindi high risk ang iyong kagat, maaaring bigyan ka pa rin ng anti tetanus injection o kaya antibiotics.

Ilang Beses Ang Anti Rabies Injection?

Depende ito sa iyong kalagayan at kung ikaw ay may dati nang saksak ng bakuna. Minsan, ito ay umaabot ng hanggang tatlo o anim na shots.

Pwede Ba Ang Toothpaste Sa Kagat ng Aso?

Gaya ng bawang at suka, may mga tao na gumagamit ng toothpaste sa kagat at kalmot ng aso o pusa. Ito ay walang kasiguraduhan na magkakaroon ka ng proteksyon laban sa rabies at iba pang sakit.

Kaya ikaw ay dapat na magpa check up sa isang doktor para makakuha ng tamang payo.

Kailangan Bang Bantayan Ang Aso?

Ilang araw bago mamatay ang so sa rabies? Ang aso na may rabies ay madalas na nauulol o nasisiraan ng ulo matapos ang 10 to 14 days. May ilang pagkakataon na ito ay mas mabilis o mas matagal. Ang obserbasyon sa aso ay nasa ganitong time frame din.

Ngunit para makasiguro, kumonsulta agad sa doctor kung ikaw ay nakagat o nakalmot ng kuko ng aso.