Nakakaranas ka ba ng pananakit ng mata kapag gumagamit ng cellphone? Hindi ka nagiisa dahil maraming tao na ang nakakaranas nito. Ang importante ay malaman mo kung bakit nagluluha o sumasakit ang mata mo kapag nakatingin sa cellphone.
Ano Ang Pwedeng Maranasan?
Ang pananakit ng mata ay pwedeng dahil sa cellphohe
Mahapdi ang mata kapag nakatingin sa screen
Nagluluha ang mata
Masakit ang mata kapag pinipikit
Parang masakit ang mata sa loob
Namumungay ang mata kapag nakatingin sa cellphone
Ano Ang Dahilan ng Pananakit ng Mata sa Phone?
Ang madalas na paggamit ng cellphone ay pwedeng mauwi sa eye strain. Ito ay sobrang pagkapagod ng mga mata. Ang dahilan nito ay pwedeng dahil sa natutuyong mata dahil sa pagkakabukas nito ng matagal at madehydrate.
Maaari itong mauwi sa pamumula at paghapdi. Importante na ito ay malaman mong hindi lang dahil sa cellphone ngunit pwede ring sa panonood ng TV o pagbabasa.
Ano Ang Gamot sa Masakit na Mata
Importante na ikaw ay magpahinga upang manumbalik ang iyong mata na walang pananakit. Ito ay makakatulong lalo na kung ipipikit mo ang mga mata para ma-rehydrate.
Ang ilang eye drops para sa cleansing ay pwede ring makatulong para marehydrate ang napapagod mong mga mata. Ito ay makakatulong para mabawasan ang pamumula nito.
Ano Ang Doctor Para sa Masakit na Mata?
Ang isang ophthalmologist ay siyang pwedeng sumuri sa iyong mga mata. Pumunta sa isang doctor lalo na kung ikaw ay may nararanasang masakit na bahagi ang mga ito.
Lalabo Ba Ang Paningin Kapag Laging Nasa Cellphone?