Nagsusuka ka ba ngayon ng tubig? Ang ganitong uri ng sintomas ay maaaring magpahirap sa pakiramdam ng iyong tiyan. Importante na ikaw ay guminhawa at malaman mo kung ano ang sanhi ng iyong pagsusuka ng malinaw o maasim na tubig.
Bakit Nangyayari Ang Pagsusuka o Vomiting?
Ito ay reaksyon ng iyong katawan upang ilabas ang anumang bagay na hindi nais nito. Minsan, may ilang dahilan ang mga ito gaya ng reflexes, allergy o kaya naman ay sakit.
Ano Ang Sintomas ng Tubig ang Sinusuka?
Maaaring ito ay hindi lamang tubig at may iba pang kasama nito. Ngunit ang kulay nito ay malinaw at clear. Ilan sa mga posibleng sintomas ay:
Nagsusuka ng tubig at nahihilo
May suka na kulay tubig at masakit ang tiyan
Sumusuka ng kulay tubig pagkatapos kumain
Mahapdi ang tiyan at nagsusuka ng tubig
Ano Ang Posibleng Dahilan?
Ang pagususuka ng tubig o kaya kulay nito ay maaaring dahil sa mataas na acid sa sikmura. Ito rin ay maaaring dahil sa upset stomach na kung saan hindi ka natunawan ng maayos.
Ang pagkakaroon ng acid reflux o hyperacidity ay pwedeng magdulot sayo ng pagsusuka na kulay tubig.
Ano Ang Gamot sa Ganitong Karamdaman?
Ang mataas na acid ay pwedeng malunasan ng antacids. Ito ay nabibili sa mga botika. Ngunit kung ang iyong sintomas ay malala at masakit, importante na kumonsulta sa isang doctor para malaman ang tunay na dahilan.
Ano Ang Doctor ng Nagsusuka na Tubig?
Ang sumusuka ng tubig ay dapat na magpatingin sa isang gastroenterologist. Ito ang eksperto sa mga karamdaman tungkol sa digestive system. Kung madalas itong mangyari, makabubuti kung ikaw ay kumonsulta sa isang doctor.
Iba Pang Sintomas
Kung ikaw ay may iba pang sintomas maliban sa pagsusuka, pumunta agad sa ospital at magpasuri. Ilan sa mga dapat bantayan ay:
Pagkahilo
Pagsusuka ng dugo
Panghihina
Lagnat
Pagkawala ng balanse
Matinding sakit sa tiyan