May nararamdaman ka bang kati sa butas ng iyong tenga para sa hikaw? Ito ay pwedeng magdulot ng sugat at iba pang komplikasyon kapag hindi naagapan. Importante na mabigyan ng lunas ang ganitong sintomas para hindi lumala.
Ano Ang Sintomas sa Butas ng Hikaw?
Ang iyong butas sa tenga para sa hikaw ay pwedeng makaranas ng mga sumusunod na sintomas:
- Nangangati ang ang butas ng hikaw
- Masakit ang piercing sa tenga
- May sugat na hindi gumagaling sa butas ng tenga sa hikaw
- May dugo sa butas ng piercing sa tenga
- Nagbabalat ang butas ng tenga para sa hikaw
Ano Ang Posibleng Dahilan Nito?
Ang isa sa posibleng sanhi ng sugat sa butas ng hikaw sa tenga ay allergy. Kapag ikaw ay allergic sa materyales ng iyong hikaw o piercing, magkakaroon ito ng reaksyon. Pwede kang magkaroon ng sugat na hindi gumagalin, dugo, mabahong amoy sa butas ng hikaw, nana sa butas at pagbabalat.
Pwede rin itong mamula ay mamaga at ang impeksyon ay pwedeng kumalat sa buong tenga o ulo.
Isa pa sa posibleng dahilan nito ay pagkakaroon ng eczema. Ito rin ay isang uri ng allergic reaction na pwedeng dahil sa maduming butas ng hikaw o kaya materyales na kung saan ikaw ay allergic.
Ano Ang Gamot Na Pwedeng Gamitin?
Unang una, kung sa tingin mo ay dahil ito sa iyong hikaw, huwag muna itong isuot. Importante na gumaling ang iyong sugat para hindi ito lumala. Pumunta sa isang doctor para masuri at malaman kung pwede ka pa rin gumamit ng hikaw o piercing.
Ang iyong doctor ay pwedeng magbigay ng gamot gaya ng creams, antibiotic o sabon na makakatulong para gumaling ang sugat at mawala ang pangangati sa butas ng hikaw.
Ano Ang Doctor Para sa Butas Sa Tenga ng Hikaw?
Isang dermatologist ang kailangan mo ng konsultahin para sa iyong mga tanong. Kailangan na masuri muna ang dahilan ng iyong sintomas bago ka bigyan ng gamot.
Ilan sa posibleng maibigay sayo ay para sa pangangati, infection at anti-inflammatory.
Sarado Na Ang Butas ng Tenga Pero Makati Pa Rin
May ilang pagkakataon na pwedeng magkaroon ng sugat at kati ang saradong butas ng hikaw sa tenga. Ito ay maaaring dahil sa natirang contaminants or allergens. Kumonsulta sa iyong doctor upang malaman kung ano ang pwedeng gawin.