Totoo Ba Ang Binat? – Senyales ng Binat Pagkatapos ng Lagnat

Ang pagkakaroon ng lagnat ay isang sintomas ng infection. May ibang pagkakaton rin na ito ay dahil sa ibang karamdaman gaya ng cancer o kaya naman ay diperensya sa ibang bahagi ng katawan. Sa mga Pilipino, ang taong nagkaroon ulit ng lagnat pagkatapos nito ay tinuturing na binat.

Totoo Ba Ang Binat?

Ang binat ay isang termino na ginagamit ng mga Pilipino kapag bumalik ang lagnat. Ito ay kadalasan sinisisi ng matatanda kapag ang tap ay hindi nagpahinga ng mabuti o kaya naman ay biglang sumabak sa trabaho nang walang pahinga.

Ano Ang Binat sa Panganganak?

May koneksyon din ito sa sinasabi ng matatanda na kung saan hindi nakapagpahinga ng mabuti ang isan babae matapos manganak. Sa tradisyunal na paraan, ang isang ina ay dapat na magpahinga ng matagal o ilang araw bago muling magtrabaho.

May ilang kaugalian pa na ang isang babae ay kailangan munang maligo ng maligamgam na tubig kasama ang mga herbal para hindi mabinat.

Ano Ang Sintomas ng Nabinat?

Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng lagnat muli matapos nito gumaling. Ngunit ang mga ganitong pangyayari ay maaaring may konksyong sa infection na hindi pa gumagaling.

Ang bacteria, virus at fungus ay pwedeng magdulot ng paulit ulit na lagnat hangga’t hindi ito nagagamot ng tuluyan. Sa mga bagong panganak, ito ay pwedeng maging sanhi ng depression, panghihina, pagkakaroon ng lagnat at iba pa.

Ano Ang Dapat Gawin Kapag May Binat?

Pinapayo ng matatanda na magpahinga mabuti ang isang tao na nabinat. Ito ay kailangan upang bumalik ang lakas ng katawan. Kung may iba pang sintomas na nararanasan, pumunta agad sa doktor upang masuri.

Nakakabaliw Ba Ang Binat?

Sa mga matatanda ay tradisyon, iniiwasan ang mabinat dahil daw baka masiraan ng ulo o mabaliw ang isang tao. Ngunit kailangan pa ng masusing pag aaral para mapatunayan ito.

Nakakamatay ba ang binat?

Ang sobrang pagod at lagnat na hindi gumagaling ay pwedeng magdulot ng komplikasyon. Siguruhin na kumonsulta sa isang doctor para malaman ang dahilan ng sakit.



Last Updated on December 16, 2019 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Totoo Ba Ang Binat? – Senyales ng Binat Pagkatapos ng Lagnat