Pabalik Balik na Lagnat – Anong Sakit Ang Lagnat Araw Araw?

May lagnat ka ba ngayon na hindi pa rin nawawala makalipas ng ilang araw? Kung ikaw ay may pabalik balik na lagnat, importante na malaman mo kung ano ang dahilan nito. Ang lagnat ay hindi sakit ngunit isang sintomas na maaaring may abnormal sa iyong kalusugan.

Ano Ang Nararanasan na Sintomas?

Paulit ulit na lagnat

Lagnat na hindi nawawala ng ilang araw

Lagnat ulit matapos gumaling

Araw araw na lagnat

Masakit ang Buong Katawan at Lagnat Ng Isang Linggo

Ano Ang Posibleng Sakit Kapag Paulit Ulit Ang Lagnat?

Ang pabalik balik na lagnat ay hidndi dapat isawalang bahala. Madalas ito ay dahil sa isang infection. Ilan sa posibleng sakit na nagdudulot ng lagnat na lagpas sa isa o dalawang araw ay:

Pwedeng UTI o sa ihi ayon sa Mayoclinic

Tuberculosis o TB

May mga sugat na infected

HIV o AIDS

Cancer

Pabalik Balik na Lagnat sa Bata

Infection ang isa sa mga posibleng dahilan kung bakit ang bata ay may lagnat araw araw. May ilang bacterial, viral at fungal infections na pwedeng magdulot nito halimbawa ay Dengue.

Ano Ang Dapat Gawin sa Lagnat Na Pabalik Balik?

Kumonsulta agad sa isang doktor para malaman kung ano ang dahilan ng lagnat. Ang sanhi ng lagnat na paulit ulit ay makikita sa ilang tests gaya ng x ray, blood test, urinalysis at iba pa.

Ano Ang Doctor Para sa Lagnat Na Hindi Nawawala

Pwedeng pumunta muna sa isang family medicine na doctor. Siya ay pwedeng magbigay ng tests at diagnosis.

Ano Ang Pagkain Para Sa Lagnat Na Hindi Nawawala

Importante na kumain ng masustansya para lumakas ang resistensya. Uminom ng maraming tubig at pwedeng gumamit ng mga gamot para bumaba ang lagnat. Itanong sa iyong doktor o sa pharmacy kung ano ang mabisa para sayo.

Herbal Para sa Lagnat

Mabuting huwag uminom ng kahit anong produkto na hindi rekomendado ng doktor. Ang ilansa mga ito ay pwedeng magdulot ng side effects o kaya naman ay hindi mapagaling ang iyong karamdaman. Laging sa doktor lamang sumangguni kapag ikaw ay may mga sintomas.



Last Updated on September 28, 2019 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Pabalik Balik na Lagnat – Anong Sakit Ang Lagnat Araw Araw?