Mata Na Makati Kapag Kinukuskos Ano Ba Ito?

Nangangati ba ang mga mata mo? May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari ngunit dapat mong iwasan na ito ay kuskusin para hindi lumala. Alamin ang dahilan ng makating mata.

Mga Sintomas na Madalas Maranasan

Kumakati ang loob ng mata

Makati ang mata kapag hinahawakan

Parang mahapdi ang mata na nangangati

Namumula at may kati sa mata

Ano Ang Posibleng Sakit Kapag Makati Ang Mata

Ang pangangati ng mata ay may iba ibang dahilan. Isa na rito ang pagkakaroon ng sore eyes. Ang sore eyes ay pwedeng makuha dahil sa maduming kamay na siyang nagagamit sa paghawak ng mata kapag kumakati. Madalas ito ay dahil sa bacterial infection.

Ilan sa mga sintomas ng sore eyes:

Makati ang mata

Namumula ang mga mata

May muta sa mata maghapon

Nagluluha ang mga mata

Sa isang banda, pwedeng ang pangangati ay dahil sa simpleng puwing lang. Kapag napuhing, ito ay pwedeng magdulot ng irritation.

Ano Ang Dapat Gawin sa Makating Mata

Iwasan na ito ay kuskusin. Huwag itong lalagyan ng kahit anong gamot na hindi nireseta ng isakg doctor. Kung ikaw ay may iba pang sintomas gaya ng lagnat o sakit ng ulot, ipatingin agad ito sa isang espesyalista sa mata.

Doctor Para sa Makating Mata

Ang isang ophthalmologist ang siyang pwedeng konsultahin tungkol sa mata. Kapag ito ay na test at na diagnose, maaari siyang magbigay ng gamot para sayo.

Mga Pagkain Para sa Makati na Mata

Ugaliin na kumain ng wasto may may sapat na sustansya para maging mas malusog ang mga mata. Importante sa mga ito ay ang Vitamin A.

Paano Maiiwasan Ang Pangangati ng Mata

Ugaliin na maghugas ng kamay. Huwag basta kukusutin ang mata kapag nakaranas ng pangangati. Ito ay pwedeng magdulot ng ilan pang infections o kaya damage.



Last Updated on September 19, 2019 by admin

Home / Mga Sakit Sa Mata / Mata Na Makati Kapag Kinukuskos Ano Ba Ito?