Ano ang Generic Name?: Methimazole
Ano ang mga brand name nito?
Tapazole, Northyx,
Para Saan Ang Methimazole?
Ito ay isang gamot para sa Hyperthyroidism at Grave’s disease. Tumutulong ito para pakalmahin ang thyroid glands at mabawasan ang thyroxine hormones sa dugo na siyang nagdudulot ng hyperthyroidism.
Ano ang mga posibleng side effects ng Methimazole ?
Gaya ng ibang gamot, ito ay pwedeng magkaroon ng ilang Methimazole side effects. Ilang rito ay ang pagkakaroon ng rashes, lagnat, sore throat o kaya sakit ng ulo. Pwede ring magkaroon ng hepatitis bilang side effects ngunit ang mga ito ay rare.
Kailangan ba ng reseta?
Ang gamot na ito ay nirereseta ng doktor. Importante na ito ay i-monitor ng isang doktor gaya ng general medicine o endocrinologist dahil nagdudulot ito ng epekto sa thyroid glands.
Paano ito inumin?
Ang gamot na ito ay nirerekomenda ng doktor upang inumin kasama ng isang basong tubig.
Para Kanino ang Gamot na ito?
Madalas itong nirereseta sa mga may hyperthyroidism. Anuman ang gulang at kasarian ngunit madalas na mga babae ang tinatamaan ng ganitong sakit.
Pwede ba ito sa buntis? Sa mga bata?
Ikonsulta sa isang doktor kung ikaw ay buntis o bata ang iinom. Maaaring magkaroon ng side effects ito. Huwag iinom ng gamot na ito kung walang reseta ng doktor lalo na kung buntis o isang bata ang gagamit ayon sa Cardiosmart.
Magkano ang Methimazole sa mga drug stores?
Ito ay mabibili sa mga sumusunod na drug stores kasama ang kanilang price list:
- Mercury Drug – Php 27
- Watsons Drug – Mula 27 to 28 pesos
- Rose Pharmacy
- Southstar Drug
Ilang milligrams ito nabibili?
Sa mga botika, ito ay pwedeng mabili ng 20mg, 100mg at 50 mg. Ang doktor lamang ang pwedeng magbigay kung ano ang dapat na dosage ayon sa iyong kalagayan. Meron ding Methimazole dosage na 5 at 10 mg.
Ilang beses sa isang araw ito iniinom?
Depende sa payo ng doktor, ito ay madalas na nirereseta na once a day na inumin.
Pwede ba ang discount sa Methimazole?
Makakakuha ka ng discount gamit ang iyong senior citizen ID. Dalhin laman ito at ang iyong booklet.
*Ang impormasyon na nakalagay dito ay maaaring hindi accurate o updated. Ito ay general reference lamang na mula sa research online.
Sources: Mayoclinic, MIMS