Masakit Ang Katawan Pagkatapos Mag Gym Exercise

Kakatapos mo lang ba mag gym? Ang iyong katawan ay may posibilidad na sumakit kapag ito ay nabanat nang husto. Kung ito ay first time mo na mag gym, importante na malaman mo kung ano ang pwedeng mangyari sayo pagkatapos.

Ano Ang Mga Side Effects ng Gym Exercise?

Ang pag workout ay isang mainam na paraan para lumakas ang iyong muscles at buto. Ito rin ay makakatulong para mabawasan ang taba mo sa katawan. Ngunit sa unang pagkakataon, maaari kang mapagod kapag ginawa mo ito ng biglaan.

Ano Ang Dapat Gawin Para Hindi Sumakit ang Muscles.

Makakatulong kung ikjaw ay mag stretching muna bago magbuhat ng mabibigat sa gym. Ito ay makakatulong para makondisyon ang muscles.

Uminom ng maraming tubig habang ikaw ay nasa exercise at nagbubuhat ng barbell o dumbells.

Normal Ba Na Sumakit ang Muscles Pagkatapos mag Gym Workout?

Ito ay normal lamang kapag first time na magbuhat sa mahabang panahon. Ang iyong muscle tissues ay napunit at ito ay magre-repair din kapag kumain ka ng masustansya kasama ang protein, carbohydrates at fats.

Ano Ang Gamot Sa Masakit Na Katawan Matapos Mag-Exercise?

Ang iyong katawan ay kusang mag-aayos ng muscle tissues. Kung ikaw ay makakapagpahinga, ito ay mainam. Matulog din ng sapat at uminom ng tubog. Kumain ng sapat at ayusin ang diet. Kung hindi mo matiis, may ilang paraan para mas mapabuti ang pain sa muscles. Pwede mo itong lagyan ng warm o cold compress.

Bakit Sumasakit ang Muscles Matapos Mag Gym

Ang pagsakit ng katawan at muscles ay pwedeng mangyari makalipas ng isang araw o sa iba naman ay two to three days. Ito ay normal na reaksyon dahil sa pagod at pagbuhat nang mabigat.

May ilang tao na sumasakit ang kanilang katawan dahil sa dehydration kaya importante na uminom ng tubig. Ang ilang naman ay may injury na noon sa muscles at buto na pwedeng matrigger ng exercise.

Pwede Bang Maligo Pagkatapos Mag Exercise sa Gym?

Masama ba maligo matapos ang exercise? Walang scientific basis ang ganitong paniniwala. Ang pagligo matapos ng gym ay makakatulong para matanggal ang pawis at dumi sa katawan.



Last Updated on August 12, 2019 by admin

Home / Sintomas ng Mga Sakit / Masakit Ang Katawan Pagkatapos Mag Gym Exercise