Ang taong may mga sintomas ng TB ay pwedeng makaranas ng mga pakiramdam na may katulad sa ibang sakit. Dahil ang TB ay nangyayari sa baga, pwede rin itong magdulot ng mga sintomas na gaya ng ubo at iba pa. Importante na malaman mo kung ano ang palatandaan ng taong may TB para makaiwas rito.
Mga Senyales na May TB Ka
Importante na malaman mo na hindi dahil meron ka ng kahit anong senyales o sintomas na nakalista dito ay nangangahulugan na may TB ka na. Ang ilang sintomas ay may pagkakapareho sa ibang sakit. Dapat kang kumonsulta sa isang doktor kung meron kang alinman sa mga sumusunod:
Nanghihina at parang nanlalambot
Masakit ang dibdib kapag umuubo
May lagnat tuwing hapon o gabi
May dugo ang plema
Hindi nawawala ang ubo at sipon
Mabigat ang pakiramdam ng dibdib
Hirap o parang bitin sa paghinga
Paano Maiiwasan Ang TB
Ang TB ay nakakahawa. Kung may kakilala kang meron nito, dapat kang maglagay ng proteksyon. Ang pagsusuot ng face mask ay makakatulong na. Ugaliin na huwag manghiram ng mga personal na gamit lalo na sa mga sinusubo.
Importante rin na palakasin ang iyong katawan upang hindi tablan ng TB. Ilan sa mga tao ay mayroong TB sa kanilang katawan ngunit hindi ito natutuloy sa malalang sakit dahil kayang labanan ng kanilang resistensya.
Paano Gamutin Ang TB
Tanging ang doktor lamang ang pwedeng magbigay ng gamot para sa TB. Ito ay madalas na iniinom sa loob ng 6 na buwan. Ang mga antibiotics na ito ay mabisa kung susundin ang tamang pag-inom nito na nasa oras.