May nararamdaman ka bang parang malamig sa sikmura? Ito ay posibleng may kinalaman sa iyong pagkain ngunit may mga pagkakataon rin na dahil ito sa isang karamdaman. Kung ito ay madalas mangyari, importante na malaman kung ano ang sanhi ng malamig na tiyan.
Ano Ang Sintomas Ng Malamig Na Tiyan
Nanlalamig ang sikmura
Masakit at malamig na tiyan
Parang may malamig sa loob ng tiyan at sikmura
Parang nasusuka sa malamig na tiyan
Bakit Ito Nangyayari?
Ano ang dahilan ng malamig na tiyan sa loob? Ang tiyan ay pwedeng makaranas ng malamig na sikmura kung ikaw ay gutom. Madalas itong mangyari kapag ikaw ay puno na ng acid sa tiyan at hindi pa kumakain. Ngunit may ilang karamdaman na pwedeng magdulot nito. Halimbawa, ang pagkakaroon ng ulcer ay pwedeng magdulot ng iba’t ibang sensasyon sa loob ng tiyan.
May ilang pagkakaton na ang panlalamig sa loob ng tiyan ay dahil sa kinain. Kung ikaw ay nagkaroon ng pagkain na madumi, pwede itong mauwi sa food poisoning. Alamin kung ang iyong nakain ay malinis.
Sa isang banda, importante na laging malinis ang pagkakagawa ng iyong pagkain upang hindi humantong sa mga sakit gaya ng diarrhea.
Ano Ang Lunas sa Malamig na Sikmura?
Importante na kumonsulta sa isang doktor kung madalas ito mangyari. May ilang tests na dapat gawin upang malaman kung ano ang dahilan ng malamig na tiyan. Kung ikaw ay nasusuka o kaya naman ay may dugo sa dumi, alamin agad ang sanhi at sabihin ito sa doktor.