May langib ka ba sa anit na lagi mong kinukutkot? Kung ito ay madalas mangyari sayo at hindi ito nawawala, dapat mong alamin kung ano ang sanhi nito. Ang pagkakaroon ng crust o langib sa anit ay pwedeng dahil sa sakit sa balat at ito ay dapat gamutin.
Mga Sintomas Sa Anit na may Langib
May parang langib na natutuklap sa anit
Parang may pimples o bukol sa anit
Anit na tuyo at may langib langib
Hindi gumagaling na sugat sa anit na malangis
Ano Ang Dahilan Nito
Ang langib sa anit ay pwedeng dahil sa sugat na hindi gumagaling. Kung ito ay palagi mong tinutuklap o kinukutkot, mahihirapan itong gumaling at magsara. May mga pagkakataon rin na ang langib ay dahil sa balakubak na namumuo nang sabay sabay kaya ito lumalaki.
Sa mga taong may dermatitis, pwedeng magkaroon ng mga nanunuyo na parte ng anit na siya ring magbibigay ng langib nito. Kung ito ay madalas mangyari, dapat mong ikonsulta sa isang doktor o dermatologist.
Ano Ang Dapat Gawin
Kung ikaw ay may sugat sa anit sa ulo, sigurihin na ito ay magamot. Iwasan muna na malagyan ito ng shampoo o iba pang kemikal gaya ng gel, conditioner, hairspray.
Kung namumuo o natutuyo na ang sugat, importante na ito ay huwag galawin at tuklapin upang tuluyang gumaling. Ang pagkakaroon ng oily scalp ay posible ring magpalala ng kondisyon. Itanong sa isang dermatologist kung ano ang pwedeng gawin tungkol dito.