Hindi ba kaaya-aya ang iyong ngiti? Kung ikaw ay may sungki na ngipin, dapat mo itong ipaayos upang mas gumanda ang iyong ngiti. Ang sungki na ngipin ay nakakaapekto sa iyong pangkalahatan ng itsura. May ilang dahilan kung bakit nasusungki ang ngipin.
Ano Ang Dahilan ng Sungki na Ngipin
Ang ngipin na sungki ay pwedeng dahil sa hindi magandang tubo nito. Kung ikaw ay may mga ngipin na katabi ng iba pa, ang pagsisikip ng espasyo ay pwedeng makaapekto sa ibang ngipin.
Kung ikaw naman ay palaging kumakain ng matigas na pagkain, pwede rin itong makaapekto sa iyong ngipin at sa pagkakapantay-pantay ng mga ito. Ang pagkain ng makukunat at matitigas na pagkain ay dapat na dahan dahanin.
Ang pagkakaroon ng mga infection sa gilagid gaya ng gingivitis ay pwede ring makaapekto sa magandang tubo ng ngipin. Ugaliin na linisin ang iyong ngipin at gilagid upang maiwasan ang anumang impeksyon.
Paano Ayusin and Sungki?
Ang dentista ang pwedeng magbigay ng payo kung paano aayusin ang iyong sungki. Ito ay nagagawan ng paraan sa pamamagitan ng braces o kaya naman ay retainers. May ilang dental appliance din na pwedeng gamitin para sa mga sungki.
Paano Maiiwasan ang Sungki na Ngipin?
Dapat kang kumonsulta sa isang dentista upang palaging maalagaan ang iyong ngipin. Ang mga nabubulok na ngipin ay nakakaapekto sa iyong pangkalahatang oral health at pwede itong magdulot ng masamang epekto sa iba pang ngipin.